Ilang puwesto sa Pasig Market, ipinasara ni Mayor Vico Sotto

By Jan Escosio August 04, 2020 - 06:10 PM

Dahil sa mga paglabag sa minimum health and safety standards, ipinasara ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ilang puwesto sa Pasig Mega Market.

Sa kanyang Facebook post, ipinaalala ni Sotto sa mga negosyante at mamamayan na patuloy na sumunod sa protocols lalo na ibinalik ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

“Ayaw na away kong gawin to. Pero hindi puwedeng hayaan lang kapag lumabag sa minimum health/safety standards,” aniya.

Unang nahuli ang ilang stall owners at vendors na mali ang pagsusuot ng masks at hindi sumusunod sa physical distancing.

Diin ng opisyal, hindi naman nagkulang sa paalala ang kanilang market administrator kayat aniya, dapat ay sumusunod ang lahat ng mga nasa palengke sa mga protocol.

Kasabay nito, ipinasara din ni Sotto ang isang e-bingo outlet sa lungsod dahil sa pagbubukas bagamat ipinagbabawal pa ang anuman uri ng legal na sugal kahit umiiral ang general community quarantine.

TAGS: health protocols, Inquirer News, Metro Manila under MECQ, Pasig Mega Market, Radyo Inquirer news, Vico Sotto, health protocols, Inquirer News, Metro Manila under MECQ, Pasig Mega Market, Radyo Inquirer news, Vico Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.