Mga PUV driver na nagka-cutting trip, binalaan ng LTFRB

TRANSPORT CARAVAN-PROTEST/JUNE 19, 2014 Stranded commuters wait for a ride along Commonwealth Ave. during the transport coalition caravan in Quezon City. INQUIRER PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Binalaan ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board ang mga tsuper ng mga public utility vehicle na nagka-cutting trip sa pagsasabing may kaakibat itong parusa.

Partikular na pinatutungkulan ni LTFRB Board Member Ariel Inton ang mga drayber ng UV Express, Bus at Jeep na madalas inirereklamo ng hindi pagtapos ng kanilang biyahe sa destinasyong lugar.

Ito rin kasi aniya ang dahilan kung bakit nagkakabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa mga lansangan na perwisyo sa mga pasahero.

Giit ni Inton, limang libong piso ang multa sa mga tsuper na nagka-cutting trip at ang malala ay maaaring makansela ang prangkisa ng kanilang sasakyan.

Point-to-point din aniya ang biyahe ng UV Express salig sa nakasaad sa kanilang prangkisa.

Read more...