Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, kinuwestiyon ni Tolentino si PhilHealth president Ricardo Morales sa pagsuway ng kanyang vice presidents.
“There was a directive coming from President Duterte sa lahat ng Philhealth vice presidents to tender their courtesy resignation, was there a consequential action from the Philhealth board requiring the VPs to quit,” tanong ni Tolentino kay Morales.
Sa sagot ni Morales, sinabi nito na nagkaroon naman ng Board resolution ukol sa pagbibitiw ng ilang opisyal ngunit hindi ito nasunod.
Paliwanag pa nito, hindi gagana ang PhilHealth kapag nag-resign ang lahat ng kanilang vice presidents at katuwiran pa niya, wala pa namang kasong isinampa laban sa kanyang mga opisyal.
Ngunit ayon kay Tolentino, ang hindi pagpapatupad ng Board resolution ay malinaw na paglabag.
Ipinunto rin nito na ang mga dapat na nagbitiw ng mga opisyal ng PhilHealth ay nabigyan pa ng promosyon.
“Paano mangyayari ang hinihinging paglilinis at reporma sa Philhealth kung hindi sinunod ang utos ni Pangulong Duterte na mag-resign sila,” diin ng senador.