BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 112,000 na; 6,352 ang nadagdag

Nadagdagan pa nang mahigit 6,000 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Martes ng hapon (August 4), umabot na sa 112,593 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 44,429 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 6,352 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito na ang pinakamataas na naitalang bagong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa sa loob ng isang araw.

Nakuha ang mga datos mula sa 80 out of 94 licensed laboratories.

Nasa 11 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 2,115 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 240 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 66,049 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...