Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 295 na kaso hanggang 12:00, Martes ng tanghali (August 4).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
“Based on our investigations so far, there are two case in the community, of whom one is a Singaporean and one is a Work Pass holder,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Maliban dito, mayroon ding pitong imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 53,346 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.