PPCRV, nananatiling tutol sa pag-iisyu ng resibo ng Comelec sa mga botante

By Ricky Brozas February 28, 2016 - 01:12 PM

tita de villa
Photo from comelec.gov.ph

Muling nanindigan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting na hindi sila pabor sa mungkahing mag-isyu ng resibo ang Commission on Elections o Comelec kung saan nakalista ang ibinotong kandidato ng mga botante.

Iyan ay dahil magiging lantad lamang umano iyon sa vote buying at vote selling.

Paliwanag ni PPCRV Chairperson Henrietta “Tita” De Villa, kung sa mga nakaraang halalan ay laganap na ang bentahan ng boto, mas lalala pa ito at marahil ay tataas pa ang halaga ng vote selling at vote buying kapag may resibo nang ipakikita sa pulitiko.

Para sa PPCRV, ang tanging sinasang-ayunan lamang nila ay ang pagpapasilip sa botante ng screen mula sa voting machines na magpapatunay na binasa ng tama ng makina ang balota.

TAGS: Comelec receipt issuance, Comelec receipt issuance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.