La Union, isinailalim sa state of calamity

Egay La union
Photo contributed by Jools Calima Suriben

Dahil sa pinsalang naidulot ng pananalasa ng bagyong Egay, isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng La Union.

Lumubog sa tubig baha ang maraming barangay sa lalawigan.

Partikular na binaha kahapon, Lunes, ang mga barangay sa San Fernando City at sa mga bayan ng Bauang, San Juan, Santo Tomas, Bacnotan, Caba, Aringay, Agoo, Rosario, Balaoan, Luna, Bangar at Naguilian.

Nakapagtala rin ng landslides sa ilang bahagi ng lalawigan, at mga nagtumbahang puno.

Ayon sa Provincial Disaster Risk and at Management Office ng La Union, umabot sa 1,699 na pamilya o 6,751 katao ang naapektuhan ng bagyong Egay.

Ilang bahagi rin ng lalawigan ang nawalan ng suplay ng kuryente./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...