Maine Mendonza, itinanghal bilang “Best Social Media Influencer at Online’s Choice sa Nuffnang Awards 2016

maine2

Itinanghal na Best Social Media Influencer at Online’s Choice ang Kalyeserye Sweetheart at Dubsmash Queen na si Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza sa Nuffnang Awards 2016.

Tinanggap ni Maine ang kanyang award sa pamamagitan ng isang recorded message.

Umabot na sa tatlong milyon ang followers ni Maine sa social networking site na Twitter.

Ayon sa social media network, ang Kalyeserye segment ng Eat Bulaga na pinagbibidahan ng tamabalang Maine at Alden Richards o AlDub ay lumilikha ng apat na milyong mention sa Twitter sa regular na araw.

Dahil na rin sa popularidad ni Maine, kadalasan siyang nagiging biktima ng mga cyber attack o hackers.

Ang Nuffnang Awards ay bahagi ng Blogopolis 4D na kilalang biggest blog at social media conference sa bansa.

Read more...