Pagpasa sa Bayahinan II, tiniyak kahit nasa MECQ ang Metro Manila

By Erwin Aguilon August 04, 2020 - 03:10 PM

Hindi magiging sagabal sa pag-apruba ng Bayanihan to Recover as One Bill ang muling pagsasailalim sa Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarntine.

Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, matagal nang nagsasagawa ng ‘remote discussions’ ang Mababang Kapulungan.

Sa katunayan aniya ay marami na silang mga panukala ang naipasa sa pamamagitan ng online hearings.

Sabi ni Salceda, iminungkahi rin niya kay House Speaker Alan Peter Cayetano na talakayin na lamang ang stimulus bills nang isahang malaking package nang sa gayon ay matalakay ng pangkabuuhan at hindi paisa-isa.

Paliwanag nito, economic recovery ang layunin ng stimulus bilss kaya dapat ay umaayon ang bawat programa sa bawat isa.

Inaasahang sa susunod na dalawang linggo ay aprubado na ang mga stimulus package partikular ang Bayanihan 2.

Umaasa si Salceda na ang lalabas na resulta ng gross domestic products (GDP) bagamat doble ang ibababa ay magiging signal sa mga mambabatas at sa gobyerno para madaliin ang pagapruba sa mga panukala kaugnay sa COVID-19 reponse.

TAGS: Bayahinan II, Bayanihan to Recover as One bill, Inquirer News, Metro Manila under MECQ, Radyo Inquirer news, Rep JOey Salceda, Bayahinan II, Bayanihan to Recover as One bill, Inquirer News, Metro Manila under MECQ, Radyo Inquirer news, Rep JOey Salceda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.