Mga opisyal ng IATF at National Task Force ipinasisibak ng Makabayan Bloc
pinasisibak Makabayan Bloc sa Kamara ang mga bumubuo sa Inter-Agency Task Force (IATF) at National Task Force (NTF) Against COVID-19.
Partikular na pinatatanggal sa pwesto ng mga ito si Health Sec. Francisco Duque III, Interior Sec. Eduardo Año, Defense Sec. Delfin Lorenzana at NTF Chief Implementer Carlito Galvez Jr.
Ayon sa Makabayan Bloc, tulad sa mga naunang mahigpit na pagpapatupad ng community quarantine ay mababalewala lamang din ang pagsasailalim sa NCR sa modified enhanced community quarantine dahil hindi naman eksperto ang mga ito sa public health, medisina at siyensya.
lubha anilang nakababahala na ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa na pumapalo na sa mahigit 100,000 kaso at humigit kumulang 5,000 ang nadagdag na kaso simula kahapon.
Muling namang nanawagan ang Makabayan sa dagdag na pag-hire ng mga health workers na may sapat na sahod at iba pang benepisyo gayundin ang proteksyon sa kanilang trabaho, libreng mass-testing, dagdag na testing at quarantine facilities, sapat na gamot, at ayuda sa lahat ng mga apektadong sektor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.