Indonesia patapos na sa clinical trial sa herbal medicine vs COVID-19

Patapos na ang clinical trial ng isang research sa Central Jakarta para sa herbal na gamot panlaban sa COVID-19.

Ang grupo ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Indonesian Institute of Sciences (LIPI) at Association of Indonesian Doctors for the Development of Traditional and Herbal Medicine (PDPOTJI).

Ayon sa grupo, 72 sa 90 ni-recruit nila ang nakakumpleto na ng trials.

Dalawang herbal medicines ang binubuo ngayon ng grupo na layong mapalakas ang immune systems ng COVID-19 patients.

Pagkatapos ng trial ay dadadaan sa pagbusisi ng Food and Drug Monitoring Agency [BPOM] ang gamot.

 

 

 

Read more...