Global death toll sa COVID-19 mahigit 697,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo August 04, 2020 - 10:19 AM

Sumampa na sa mahigit 697,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 697,175 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 158,929.

Sumampa naman na sa mahigit 94,700 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang Mexico na ang pangatlo sa mga bansa na may pinakamaraming bilang ng mga nasawi matapos maungusan ang death toll ng UK.

Habang ang India na ang nasa pang-apat dahil nataasan na nito ang death toll ng Italy.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 94,702
Mexico – 48,012
UK – 46,210
India – 38,971
Italy – 35,166
France – 30,294
Spain – 28,472
Peru – 19,811
Iran – 17,405

Sumampa naman na sa mahigit 11.6 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6 million pa ang aktibong kaso.

 

 

TAGS: COVID, covid pandemic, COVID-19, death toll, department of health, general community quarantine, global death, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID, covid pandemic, COVID-19, death toll, department of health, general community quarantine, global death, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.