“Jowa” passess kanselado sa Cavite sa kasagsagan ng pag-iral ng MECQ

By Dona Dominguez-Cargullo August 04, 2020 - 09:31 AM

Long distance relationship muna ang iiral sa mga magkasintahan sa lalawigan ng Cavite ngayong umiiral na ang enhanced community quarantine sa lalawigan.

Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla, istriktong ipatutupad ang pagbabawal sa unofficial travel, kaya lahat ng “jowa passes” ay kanselado.

Ibig sabihin, kung bibiyahe para lang dumalaw sa kasintahan ay hindi papayagan.

Sa kaniyang Facebook post inisa-isa ng gobernador ang guidelines na ipatutupad sa lalawigan habang nakasailalim ito sa MECQ.

Ang Quarantine Pass System o Q-Pass ay non-transferable ulit at isa lamang sa bawat bahay ang puwedeng gumamit nito.

Ang ‘Stay-at-Home’ order ay in effect at ang lalabas ng walang Q-pass ay huhulihin at pagmumultahin.

Tuloy ang operasyon ng mga pabrika.

Ang Work ID na may nakalagay na HR schedule, ay kailangan laging dala ng bawat empleyado para sa mga checkpoints.

Ang lahat ng public transportation ay pwede lamang mag-operate kung para sa serbisyo ng mga pabrika, manggagawa at essential workers.

Mananatiling 8PM hanggag 4AM ang curfew.

Ang malls ay balik sa Local Residents protocol.

Maliban sa patakaran ng Tagaytay para sa karatig na bayan at maliban rin sa Trece Martires na kasama ang Indang at Amadeo.

 

 

TAGS: cavite, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, MECQ, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, cavite, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, MECQ, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.