Angkas papayagan kung essential worker ang sakay ayon sa PNP

Ngayong umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal bawal muli ang pag-aangkas sa motorsiklo kahit may naka-install na barrier.

Pero ayon kay Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar papayagan ang pag-angkas kung APOR o authorized persons outside of residence ang sakay.

Ito ayon kay Eleazar ay bagong guidelines na ipatutupad base sa utos ng National Task Force against COVID-19.

Sinabi ni Eleazar na kailangan lamang magpakita ng patunay sa checkpoint na ang sakay ng motorsiklo ay essential worker.

 

 

 

Read more...