Pagdinig ng Senado sa umano’y anomalya sa PhilHealth tuloy ngayong araw
Kahit umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila ay tuloy ang pagdinig ngayong araw ng Senado sa mga anomalya sa PhilHealth.
Ang pagdinig ng Senate Committee of the Whole ay magsisimula alas 9:00 ng umaga.
Tatlong resolusyon na humihiling na maimbestigahan ang PhilHealth ang nakahain sa Senado.
Kabilang dito ang Senate Resolution No. 461 na humihiling na maimbestigahan ang umano ay kabiguan ng PhilHealth na makapag-release ng insurance claims sa mga accredited hospitals nito.
Sa Senate Resolution No. 474 naman ay hinihiling na maimbestigahan ang umano’y malawakang korapsyon na kinasasangkutan ng mga opisyal ng ahensya.
Habang sa Senate Resolution No. 475 hinihiling ang imbestigasyon sa pagiging incompetent ng ahensya ngayong may pandemic ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.