Checkpoint palabas sa mga lugar papasok sa Metro Manila hinigpitan na
Dahil sa pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ) nagsimula nang maghigpit sa mga checkpoint papasok ng Metro Manila.
Kabilang dito ang mga boundary sa mga bayan ng Rizal at NCR.
Sa Taytay, Rizal simula hatinggabi naghigpit na sa mga checkpoint at tinitignan ang mga sasakyang dumadaan.
Sa Rodriguez, Rizal mahigpit na rin ang checkpoint sa mga lumuluwas patungo ng Quezon City.
Kabilang sa mga maagang nasita ang mga motorsiklo na mayroong angkas.
Kahit kasi mayroong inilagay na harang, bawal na rin ang pag-aangkas sa motorsiklo simula ngayong araw dahil sa pag-iral ng MECQ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.