Hinatuan, Surigao del Sur muling niyanig ng lindol
Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 38 kilometers northeast ng bayan ng Hinatuan, alas-5:33 madaling araw ng Martes (August 4).
May lalim na 16 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Ito ay aftershock ng magnitude 5.7 na lindol noong July 31.
Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Nauna ng niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Hinatuan,Surigao del Sur kaninang alas-2:51 madaling araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.