Ayon kay Sotto batid naman ng naturang kumpanya na bawal pa silang magbukas sa ilalim ng GCQ.
Sa larawan na ibinahagi ni Sotto sa social media, kita pa ang mga kliyente ng E-Bingo na naglalaro sa loob sa establisyimento.
Samantala, ilang stalls din sa Pasig Mega Market ang ipinasara ng lokal na pamahalaan.
Ito ay dahil sa paglabag nila sa minimum health/safety standards.
Apela ng alkalde sa mga nagtitinda, sumunod sa mga patakaran lalo at mataas ang banta ng pagkalat ng virus sa matataong lugar gaya ng palengke.
MOST READ
LATEST STORIES