Operasyon ng tricycle papayagan sa Muntinlupa City sa ilalim ng pag-iral ng MECQ
Papayagan ng Muntinlupa City Government ang pagbiyahe ng tricycle sa lungsod habang umiiral ang modified enhanced community quarantine.
Sa inilabas na abiso simula ngayong araw Agosto 4 hanggang 18, 2020, papayagan ang operasyon ng tricycle sa Muntinlupa upang matulungan ang mga frontliners at mga APOR (Authorized Persons Outside of Residence) sa kanilang pagbiyahe.
Kailangang mahigpit na sundin ang health protocols sa pagbiyahe ng mga tricycle.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng isang pasahero lamang kada biyahe at P25 ang singil.
Ang mga APOR lamang at mga mayroong quarantine pass ang pwedeng sumakay.
Kailangang may temperature checking sa terminal, may hand sanitizers sa tricycle at may gagawing disinfection.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.