Mindanao at Eastern Visayas uulanin dahil sa LPA
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 360 kilometers East Southeast ng Davao City.
Apektado naman ng Southwest Monsoon o Habagat ang Northern Luzon habang ang dating bagyong Dindo na ngayon ay si Typhoon Hagupit ay huling namataan sa layong 810 kilomters north ng extreme Northern Luzon.
Sa weather forecast ng PAGASA, ngaylng araw, ang Mindanao at Eastern Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan dahil sa thunderstorms.
Ito ay dulot ng trough ng LPA.
Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, at Babuyan Group of Islands ay makararanas din ng pag-ulan dahil naman sa Habagat.
Sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.