Paluan, Occidental Mindoro niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 18 kilometers northwest ng bayan ng Paluan, alas-3:32 madaling araw ng Martes (August 4).

May lalim na 47 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...