Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna nasa 1,740 na

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Lunes, August 3, 3PM), umabot na sa 1,740 ang bilang ng active cases sa lalawigan.

Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:

Biñan (Larger Community) – 296
Biñan (BJMP) – 5
San Pedro (Larger Community) – 232
Santa Rosa – 498
Calamba – 336
Cabuyao – 177
Los Baños – 32
San Pablo – 33
Santa Cruz – 26
Bay – 20
Calauan – 8
Nagcarlan – 14
Alaminos – 6
Victoria – 2
Pila – 3
Lumban – 10
Pagsanjan – 3
Liliw – 4
Cavinti – 4
Pakil – 5
Paete – 4
Kalayaan – 3
Majayjay – 2
Luisiana – 4
Mabitac – 2
Rizal – 2
Magdalena – 1
Siniloan – 4
Pangil – 3
Santa Maria – 1

Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 103 na.

Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 1,494.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 3,337.

Samantala, nasa 3,120 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

 

 

 

 

Read more...