Sen. Tolentino: Pangulong Duterte, malinaw ang post-COVID 19 recovery plan

By Jan Escosio August 04, 2020 - 12:48 AM

Naniniwala si Senator Francis Tolentino na nailatag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang balakin para sa pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Iginiit ito ni Tolentino sa kanyang pakikipatalakayan kay Sen. Risa Hontiveros, na sa kanyang privilege speech ay hinanap ang recovery plan sa huling State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Duterte.

“Sa narinig ko sa SONA, napakarami pong guidance guidelines na inilatag ng Pangulo, lalo na sa ekonomiya,” depensa pa ni Tolentino.

Binanggit nito ang sinabi ng Punong Ehekutibo na paiigtingin pa rin ang ‘Build, Build, Build’ program para pasiglahin ang ekonomiya.

Dagdag pa ng senador, binanggit din ni Pangulong Duterte ang paggamit sa coco levy fund at ang pagkakaroon ng P66-billion agriculture stimulus fund para iangat ang antas ng pamumuhay ng mga naghihirap na Filipino.

Samantala, ang pagpapabalik sa Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ay patunay lang na pinahahalagahan ni Pangulong Duterte ang buhay ng mga Filipino at nakikinig ito sa sentimyento ng mamamayan.

TAGS: COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 response, Francis Tolentino, Inquirer News, post-COVID 19 recovery plan, Radyo Inquirer news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 response, Francis Tolentino, Inquirer News, post-COVID 19 recovery plan, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.