Nadagdagan pa ng 34 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (August 3), 2,283 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
862 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,199 ang suspected cases.
156 namang pulis ang gumaling kung kaya umabot na sa 1,251 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nanatili naman sa 11 ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.