Mga kaso ng COVID-19 sa India, umabot na sa 1.8 milyon
By Angellic Jordan August 03, 2020 - 04:01 PM
Nasa 52,972 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.
Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (August 3), pumalo na sa 1,803,695 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 579,357 pa ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 40,574 ang mga gumaling.
Dahil dito, 1,186,203 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.
Umakyat naman sa 38,135 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.