Fuel subsidy ng Petron, Cleanfuel para sa DOTr Free Ride for Health Workers Program, pinalawig pa
Pinalawig pa ng Cleanfuel at Petron Corporation ang fuel subsidy sa mga bus unit na pasok sa Free Ride Service for Health Workers Program ng Department of Transportation (DOTr).
Kasunod ito ng muling pagpapatupad modifiend enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan mula August 4 hanggang 18.
Layon ng hakbang na bigyan ng tulong ang mga kumpanya ng bus na nakiisa para mahatid ang health care workers sa iba’t ibang ospital sa gitna ng COVID-19 crisis.
Magbibigay ang Cleanfuel ng 40 litro ng langis para sa 20 sasakyan kada araw hanggang August 18.
Tiniyak naman ng Petron na tuloy pa rin ang kanilang pagbibigay ng 50 litro ng langis sa 60 sasakyan kada araw hanggang July 31.
Ayon naman kay DOTr Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon Jr., malaking tulong ang fuel donations ng dalawang oil company.
Nagsimula ang Free Ride Service for Health Workers program ng DOTr noong March 18.
Umabot na sa 1,426,885 ang total ridership nito sa buong bansa hanggang August 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.