Mga barangay sa Mandaluyong City, isasailalim sa special concern lockdown
By Angellic Jordan August 03, 2020 - 08:23 PM
Inanunsiyo ng Mandaluyong City government na isasailalim ang lahat ng barangay sa lungsod sa special concern lockdown.
Ito ay sa bisa ng Executive Order No. 24, series of 2020.
Layon nitong mahigpit na ipatupad ang curfew sa lungsod simula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.
Sinabi ng Mandaluyong LGU na epektibo ang naturang lockdown sa araw ng Martes, August 4, hanggang August 18, 2020.
Posible rin anilang palawigin ang special concern lockdown.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.