Sabi ni Quimbo na tumatayo ring co-chairperson ng House Economic cluster, kailangang gawing produktibo ang panahon ng MECQ.
Aniya, “let’s use this lockdown period productively. Let’s reboot our COVID plans.”
Kailangan aniyang gamitin ang “timeout” sa pagpaplano sa kung paano ang paglalabas ng ulat ng pamahalaan upang magbigay paalala sa publiko na ang aksyon ng bawat isa sa makakaapekto sa iba pa.
Ang pagsuporta ni Quimbo ay sa kabila ng tinatayang P12 bilyong mawawala sa Metro Manila kada araw.
“Though we stand to lose P12 billion per day, I support the shift from GCQ to MECQ for NCR and others, given the recent spikes in new COVID cases. Our medical frontliners are in the best position to assess whether our health care system still has the capacity to care for our increasing number of COVID patients. When COVID data are questionable, we should listen to our frontliners,” sabi ni Quimbo.
Paliwanag ng mambabatas, kailangang ipaliwanag nang maayos ng Department of Health sa publiko ang mga dapat gawin upang maging ligtas ang bawat pamilya.
Sabi ni Quimbo, kapag ligtas ang mga ito, ligtas din ang bansa.
“The DOH must clearly communicate to the public what each one has to do to keep their families safe. When one’s family is safe, the community is safe, and the nation is safe. Then, our economy can move forward and each worker can begin to earn a living again. But every Filipino has to do his or her part by following health protocols,” giit ng ekonomistang mambabatas.
Iginiit din nito na kailangang muling makuha ng DOH ang tiwala ng publiko at magagawa lamang ito kung magre-report ng tama ang kagawaran.