Voluntary ECQ oks kay Rep. Taduran

By Erwin Aguilon August 03, 2020 - 08:00 PM

Photo from Congress website

Nanawagan din si Rep. Niña Taduran sa mga mamamayan na makipag-cooperate lalo na at lumolobo ang bilang ng mga apektado ng COVID-19.

Nagpahayag ng suporta si House Assistant Minority Leader at ACT-CIS Rep. Niña Taduran sa panawagan para sa “voluntary ECQ.”

Ito ay sa kabila ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasailim ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan sa modified enhanced community quarantine o MECQ sa loob ng 15 araw simula August 4, 2020.

Sabi ni Taduran, ang rekomendasyon ni Dr. Anthony Leachon na umakto ang publiko na parang nasa ilalim ng ECQ ay makakatulong upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa susunod na dalawang lingo.

“Stay at home even if you are already allowed to go out. Buy what’s only necessary and limit your movements. Always wear your mask and other protective equipment and sanitize. Maintain social distancing,” ayon kay Taduran.

Nanawagan din ang mambabatas sa mga employer na pairalin ang pagiging makatao sa kanilang empleyado sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang maayos na pagta-trabaho nang hindi natatakot na baka mahawa ng virus.

“Ang mga nagta-trabaho, dapat confined muna sa isang area ang movement, like kung sa Metro Manila, wala munang maglalabas-masok. Mag-provide ang mga kumpanya ng tutulugan ng mga empleyado sa kanilang opisina o malapit dito. Mag-provide din sila ng masasakyan ng kanilang empleyado. Kung hindi naman kaya o taga probinsiya ang manggagawa, magpatupad ng work from home. Dalawang linggo lang naman, hanggang sa maibaba natin ang bilang ng apektado ng Covid-19,” payo ni Taduran.

Nanawagan din ito sa publiko na makipagtulungan lalo na at lalong lumolobo ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.

TAGS: Bulacan under MECQ, Cavite under MECQ, COVID-19 response, Inquirer News, Laguna under MECQ, Metro Manila under MECQ, Radyo Inquirer news, Rep. Niña Taduran, Rizal under MECQ, voluntary ECQ, Bulacan under MECQ, Cavite under MECQ, COVID-19 response, Inquirer News, Laguna under MECQ, Metro Manila under MECQ, Radyo Inquirer news, Rep. Niña Taduran, Rizal under MECQ, voluntary ECQ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.