Sen. Lacson: Anong ‘magic potion’ ni Sec. Duque kay Pangulong Duterte

By Jan Escosio August 03, 2020 - 05:22 PM

Hanggang ngayon ay pilit na hinahanap ni Senator Panfilo Lacson ang sagot sa kanyang tanong kung anong anting-anting o gayuma ang hawak ni Health Secretary Francisco Duque III kaya hindi siya maalis sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Lacson na marami ang kumbinsido na dapat ay palitan na si Duque at aniya, 14 senador din bukod sa kanya ang nagsabi na dapat nang magbitiw sa puwesto ang kalihim.

Dagdag pa nito, marami din sa mga tao na nakapaligid kay Duque ang hindi na rin bilib sa kanya maging sa medical community.

Ayon sa senador, ang kabiguan ni Duque na ikasa ang maayos na contact-tracing sa mga pasahero ng isang eroplano sa Wuhan, China kung saan sakay ang unang dalawang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay malaking kapalpakan na.

Pinalala pa ito aniya ng paninisi ni Duque sa ibang ahensiya ng gobyerno at diin ni Lacson, ito na ang naging simula ng lubid ng mga kapalpakan ng kalihim.

Aniya, ito ang mga dahilan kayat hindi mahirap maintindihan ang krisis na dinaranas ng mga Filipino.

TAGS: COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 response, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Rodrigo Duterte, Sec. Francisco Duque III, Sen. Ping Lacson, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 response, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Rodrigo Duterte, Sec. Francisco Duque III, Sen. Ping Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.