Search and rescue ops, ikinasa ng PCG para sa nawawalang mangingisda sa Zambales

By Angellic Jordan August 03, 2020 - 04:16 PM

Nagkasa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng search and rescue (SAR) operations kasunod ng nawawalang mangingisda sa Zambales.

Bandang 5:00, Biyernes ng hapon (July 31), nakatanggap ng ulat ang PCG Station – Subic na nawawala ang mangingisdang si Luz Piliin, 42-anyos, sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc.

Hindi na kasi nakabalik si Piliin matapos tignan ang huhulihing isda gamit ang maliit ng bangka.

Hinala ng mga kapwa-mangingisda sa FB Renz Ronel, posibleng nakaranas si Piliin ng malakas na alon at hangin.

Sinubukan pa siyang hanapin ng iba pang mangingisda ngunit hindi ito natagpuan dahil sa sama ng panahon.

Agad namang nai-deploy ang BRP Malabrigo (MRRV-4402) nang bumuti ang lagay ng panahon para sa SAR team.

TAGS: Inquirer News, Luz Piliin, missing fisherman, PCG search and rescue op, Radyo Inquirer news, search and rescue op in Zambales, search and rescue operations, Inquirer News, Luz Piliin, missing fisherman, PCG search and rescue op, Radyo Inquirer news, search and rescue op in Zambales, search and rescue operations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.