Bilang ng PCG personnel na gumaling sa COVID-19, 485 na
Umabot na sa 485 ang kabuuang bilang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na gumaling sa COVID-19.
Ayon sa PCG Medical Service, ito ang naitalang datos hanggang August 2, 2020.
Nasa 631 ang mga kumpirmadong COVID-19 positive cases sa hanay ng PCG kung saan 146 pang aktibong kaso.
Sinabi naman ng ahensya na karamihan sa mga aktibong kaso ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng nakakahawang sakit.
Tiniyak din ng PCG na mahigpit na binabantayan ang kondisyon ng mga apektadong personnel.
Naniniwala naman si PCG Commandant, Admiral George Ursabia Jr. na ang patuloy na pagdarasal mula sa publiko ay isa sa mga instrumento para manalo sa laban kontra COVID-19.
“We give thanks and glory to God for His unfailing grace to our frontline personnel who have recovered and returned to service, as well as to our fellow Filipinos who include our health and safety in their daily prayers. Through your support, we remain strong and persevering. Rest assured that we will continue to aid the national government in its fight against COVID-19. We will heal as one!,” pahayag ni Ursabia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.