Ipinaalala sa mga barangay official ang DOH Memorandum No. 2020 0258 kung saan nakasaad na hindi na kakailanganin ang repeat testing sa mga suspect, probable at confirmed COVID-19 cases.
Ang mga symptomatic na wala na ring mga sintomas sa nakalipas na tatlong araw at natapos ang 14-day isolation ay maaari na ring isama sa listahan ng mga ‘recovered confirmed case.’
Kinakailangan lang din na bigyan sila ng ‘clearance’ ng doktor.
Nabatid na ang polisiya na ito ay alam ng World Health Organization (WHO) at inaprubahan na rin ng Inter-Agency Task Force.
Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano na ang bagong polisiya ay base sa isinagawang pag-aaral ng mga eksperto at alinsunod sa pamantayan ng WHO.