Kabilang dito ang mga bus, UV Express, at moderno o traditional jeepneys na hindi makakabiyahe sa pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan hanggang August 18.
Sinabi ng ahensya na bilang tulong, hindi na kakailanganing mag-apply ng Special Permit (SP) para sa mga gagamiting pampublikong sasakyan sa kasagsagan ng MECQ.
Kailangan lang ipakita ang certificate/authorization letter o letter of intent mula sa kumpanya kung saan naakalagay ang ruta.
Sinabi ng LTFRB na ito ang magsisilbing patunay na ang ginagamit ang pampublikong sasakyan bilang shuttle service.