Mga pribadong kumpanya, hinikayat ng LTFRB na gamitin ang mga pampublikong sasakyan bilang shuttle service

By Angellic Jordan August 03, 2020 - 03:09 PM

Hinikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga pribadong kumpanya na mag-hire ng mga pampublikong sasakyan para magsilbing shuttle service ng kanilang mga empleyado.

Kabilang dito ang mga bus, UV Express, at moderno o traditional jeepneys na hindi makakabiyahe sa pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan hanggang August 18.

Sinabi ng ahensya na bilang tulong, hindi na kakailanganing mag-apply ng Special Permit (SP) para sa mga gagamiting pampublikong sasakyan sa kasagsagan ng MECQ.

Kailangan lang ipakita ang certificate/authorization letter o letter of intent mula sa kumpanya kung saan naakalagay ang ruta.

Sinabi ng LTFRB na ito ang magsisilbing patunay na ang ginagamit ang pampublikong sasakyan bilang shuttle service.

TAGS: Inquirer News, ltfrb, Radyo Inquirer news, shuttle service during MECQ, transportation during MECQ, Inquirer News, ltfrb, Radyo Inquirer news, shuttle service during MECQ, transportation during MECQ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.