Tirahan ng isandaang pamilya, tinupok ng sunog sa Balut, Tondo Maynila

By Jong Manlapaz February 28, 2016 - 06:48 AM

fire-defaultUmabot sa ikalimang alarma ang sunog na naganap sa permanent housing sa Balut, Tondo Manila bago maideklarang under control.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection, ang sunog ay nagsimula kaninang 1:30 ng madaling araw ngayong araw ng Linggo.

Mabilis itong umakyat sa ikatlong alarma pagdating ng 1:37 ng madaling araw.

Pagkalipas lamang ng halos kalahating oras o 2:02 am, agad na inilagay sa 5th alarm ang naturang sunog.

Bandang 2:55 am naman nang ibinaba na ng BFP sa under control ang sunog.

Ayon naman kay Joseph Guerero ng BFP Central Fire Control 7, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light material ang mga bahay sa lugar.

Base naman sa mga saksi, bago umano sumiklab ng sunog, nagkaroon muna ng malakas na pagsabog.

Aabot sa limang bahay o isandaang pamilya ang nawalan ng tirahan habang nasa dalawa naman ang naitalang nasugatan dahil sa sunog.

Sa pagtataya ng BFP, aabot sa dalawang milyong piso ang halaga ng tinupok ng apoy.

Sa ngayon ay inaalam pa rin ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: residential fire, residential fire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.