Pamamahagi ng ikatlong bugso ng SAP, ipinaubaya ng Palasyo sa Kongreso
Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa Kongreso ang pamamahagi ng ikatlong bugso ng Special Amelioration Program (SAP) sa mga residente na nasa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Pahayag ito ng Palasyo matapos isailalim sa MECQ ang Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal mula August 4 hanggang 18.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan ng batas mula sa Kongreso para sa pagbibigay ng ayuda.
Hindi aniya maaaring gastusin ang kaban ng bayan nang walang batas.
Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, makatatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 ang bawat pamilyang Filipino na naapektuhan ng COVID-19.
Tinatayang nasa 18 milyong pamilya ang mabibigyan ng pinansyal na ayuda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.