Bagyong Dindo nakalabas na ng bansa ayon sa PAGASA
Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Severe Tropical Storm Dindo.
Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay inaasahang tatama sa kalupaan ng Zhejiang Province sa eastern China.
Huli itong namataan sa layong 555 km North Northeast ng Basco, Batanes o nasa labas na ng PAR.
Bahagya pa itong lumakas at taglay na ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 125 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong north northwest.
Samantala, isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa Mindanao.
Huli itong namataan sa layong 450 kilometers East Southeast ng Davao City.
Sa ngayon maliit pa ang tsansa na magiging isang ganap na bagyo ang LPA pero magdudulot ito ng pag-ulan sa Caraga at Davao Region.
Habagat naman ang nagpapaulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.