P24B budget para sa dagdag na sweldo ng AFP personnel ibibigay na

By Den Macaranas February 27, 2016 - 08:08 PM

AFP (1)
Inquirer file photo

Sa Lunes ay ilalabas na ng Department of Budget and Management ang kabuuang P24Billion para sa dagdag na sweldo at allowance sa lahat ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kabuuang P18.6Billion dito ang nakalaan para sa salary adjustments ng mga civilian personnel ng AFP samantalang kabuuang P5.36Billion naman ang inilaan para sa dagdag na allowance at hazard pay para sa mga Military and Uniformed Personnel (MUP).

Mula sa dating P240 ay magiging P390 na kada buwan ang hazard pay para sa mga tauhan ng militar.

Sinabi ni Budget Sec. Florencio Abad na naglaan din sila ng kabuuang P33Billion bilang pang-sweldo sa mga dagdag na tauhan ng AFP at para na rin sa mid-year bonus ng mga military personnel na ibibigay sa May 15.

Ipinaliwanag din ng Kalihim na bibigyan din ng dagdag na sweldo ang mga tauhan ng mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) basta’t silay sakop ng R.A 10149 o Compensation and Classification System sa loob ng GOCC Law.

Dagdag pa ng kalihim, malapit na nilang matapos ang pagsasa-ayos sa Government Manpower Information System (GMIS) para madagdagan ang mga tauhan ng pamahalaan na mabibigyan ng tax exemption mula sa kanilang mga sweldo at bonuses.

TAGS: AFP salary, GOCC, Mid-Year Bonus, MUP, AFP salary, GOCC, Mid-Year Bonus, MUP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.