Global death toll sa COVID-19 halos 700,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo August 03, 2020 - 11:56 AM

Sumampa na sa halos 700,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 692,794 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 158,365.

Sumampa naman na sa mahigit 94,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang Mexico na ang pangatlo sa mga bansa na may pinakamaraming bilang ng mga nasawi matapos maungusan ang death toll ng UK.

Habang ang India na ang nasa pang-apat dahil nataasan na nito ang death toll ng Italy.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 94,130
Mexico – 47,746
UK – 46,201
India – 38,161
Italy – 35,154
France – 30,265
Spain – 28,445
Peru – 19,614
Iran – 17,190

Sumampa naman na sa mahigit 11.4 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6 million pa ang aktibong kaso.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, global death toll, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, global death toll, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.