Mahigit 8,000 pang umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo August 03, 2020 - 10:49 AM

Simula noong July 8 hanggang ngayong araw August 3 umabot na sa mahigit 38,000 umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.

Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, mayroong 8,202 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.

Karagdagan ito sa mahigit 54,000 na returning overseas Filipinos na nag-negatibo sa COVID-19 simula noong July 8 hanggang July 30.

Maaring makita ang listahan ng mga dagdag na nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/33f10Zs

Ang master list naman ng mga nag-negatibong umuwing Pinoy ay maaring ma-access sa link na https://bit.ly/309ZvJV

Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.

 

 

TAGS: coast guard, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, State of Emergency, swab test, Tagalog breaking news, tagalog news website, coast guard, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, State of Emergency, swab test, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.