Pagbabalik sa parusang bitay dapat ipaubaya na lamang sa susunod na administrasyon
Dapat ipaubaya na lamang sa susunod na administrasyon ng pamahalaan ang pagbabalik sa parusang kamatayan.
Ayon kay Buhay Rep. Lito Atienza, ang mas dapat na pagtuunan ng panahon ngayon ng Malakanyang at Kongreso ang pagligtas ng buhay at pagtugon sa epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya sa halip sa aksayahin ang oras para sa pagbabalik ng parusang kamatayan.
Nasa gitna aniya ngayon ang bansa ng public health disaster kung saan ilang milyon na mga Pilipino ang nawalan ng kabuhayan at trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Bukod sa krisis ay kulang din sa panahon ngayon ang Kongreso sa dami nang dapat iprayoridad at sa loob ng 22 buwan ay maghahalal nanaman muli ng bagong Presidente ng bansa.
Sa halip na buhayin ang death penalty ay inirekomenda ni Atienza ang reporma sa criminal justice system ng bansa.
ilang taon na ring tinututulan ni Atienza ang death penalty dahil ito ay paglabag sa pagiging sagrado ng buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.