Lima patay sa panibago na namang kaso ng pamamaril sa U.S

Five people are dead after a shooting and hourslong standoff near Belfair. Mason County chief criminal deputies gather outside a home in the 300 block of Horseshoe Lane. Left: Russell Osterhout Right; Ryan Spurling both are Mason county chief criminal deputies.
reuters

 

Lima ang patay sa panibago na namang kaso ng pamamaril sa Washington sa U.S.

Sa report ng Reuters, sinabi ni Chief Deputy Russel Osterhout ng Mason County Sheriff’s Office na posibleng magkakamag-anak ang mga biktima at ang suspect na nagpakamatay din sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, lumilitaw na isang kaso ng “domestic-family situation” ang pinag-ugatan ng naturang murder-suicide case.

Pinatay umano ng hindi pinangalanang suspect ang mga biktima pero bago ito ay pinalaya niya ang isang 12-anyos na batang babae na nasa pangangalaga na ngayon ng mga otoridad.

Nagawa pa umanong tumawag ng suspect sa himpilan ng pulisya at sinabi niyang may ginawa siya sa mga biktima pero hindi na niya ibinigay pa ang detalye nito.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng pulisya sa magubat na lugar ng crime scene.

Nauna dito ay sinabi ng mga kapit-bahay ng mga biktima at suspect na nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril at nagulat na lamang sila nang magdatingan ang mga mobile cars ng mga pulis.

Inakala daw nila na nagsasagawa lamang ng target-shooting ang suspect.

Pansamantala ring inilikas ang ilang naninirahan sa lugar habang nagaganap ang stand-off at makalipas lamang ang ilang oras ay isang putok ng baril ang kanilang narinig kung saan sinabi ng mga pulis na nagpakamatay ang hindi pinangalanang suspect.

Read more...