Health Sec. Duque ipinagtanggol ni Pangulong Duterte
Sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan ng ilang indibidwal sibakin o magbitiw na sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque dahil sa hindi maayos na pagtugon sa problema sa COVID-19.
Ayon sa pangulo, wala namang kasalanan si Duque at hindi naman siya ang nag-import o nagdala ng virus sa bansa.
“For example, Secretary Duque, they want your neck. Then I asked you, “Okay, you want me to fire Duque?” Let me be satisfied. Anong kasalanan ng tao? He did not import COVID,” sinabi ng pangulo.
Katunayan, sinabi ng Pangulo na sa umpisa pa lamang, nakatutok na si Duque sa problema sa pandemya.
Sinabi pa ng pangulo na kung may aberya man sa datos na inilalabas sa publiko, ito ay dahil sa palaging nababago ang numero.
“He was there all the time and ang infection was overwhelming not only for the Philippines. I do not want to compare it with any country but it was a global thing,” ayon sa pangulo.
Ayon sa pangulo, talagang pabago-bago ang datos dahil may mga pagkakataon na gumagaling na sa bahay ang isang nagpositibo sa COVID-19 at hindi na pumupunta sa ospital.
May mga asymptomatic din kasi aniya sa mga pasyente na minsan ay hindi na nasusuri ng mga doktor.
Magugunitang nanawagan ang mga senador na bumaba na sa pwesto si Duque.
Marami na ring nananawagan na sibakin ito ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.