Ayon sa volcano bulletin ng Phivolcs, wala namang naitalang volcanic earthquake sa magdamag.
Nagbuga din ang Mayon ng kulay puting steam-laden plumes.
Noong July 23 ang sulfur dioxide na naitala sa bulkan ay umabot sa 222 tonnes per day ang average.
Nananatili sa Alert Level 1 ang alert status ng bulkan.
Sa kabila nito, patuloy ang paalala ng Phivolcs na bawal pa din ang papasok sa loob ng 6-kilometer radius Permanent Danger Zone ng bulkan.
May mga panganib pa rin kasi ng rockfalls, landslides, ash puffs at phreatic eruptions sa Mt. Mayon.
MOST READ
LATEST STORIES