Antas ng tubig ng Angat dam nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.18 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (August 3) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 181.91 meters.

Nanatili naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 98.70 meters habang bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 78.71 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 78.80 meters.

Samantala, nadagdagan naman ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Binga dam.

 

 

Read more...