Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng lindol
By Mary Rose Cabrales August 03, 2020 - 04:01 AM
Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 50 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-3:30 madaling araw ng Lunes (August 3).
May lalim na 11 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Ito ay aftershock ng magnitude 5.8 sa Bayabas, Surigao del Sur na naganap noong July 27, 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.