Bangkay ng isang German national natagpuan sa isang Yate sa Surigao del Sur

By Den Macaranas February 27, 2016 - 06:53 PM

Barobo SurigaoNa-recover ng mga otoridad ang nabubulok nang bangkay ng isang German national sa loob ng isang Yate sa Barobo Surigao Del Sur.

Sa paunang report na nakarating sa PNP Headquarters sa Camp Crame, ang nasabing bangkay ay nadiskubre ng mangingisdang si Christopher Rivas.

Ayon sa report, pauwi na mula sa pangingisda si Rivas kasama ang isang kaibigan nang mapansin nila ang palutang-lutang na Yate na tila’y nasiraan ng makina.

Nang lapitan nila ang sasakyang pandagat ay nakita nila ang nakaupong bangkay ng biktima.

Sa pamamagitan ng lubid na ikinabit sa kanilang fishing boat ay nagawa nilang hilahin ang nasabing Yate na may tatak na “Sajo” papalapit sa pampang sa bayan ng Barobo.

Kaagad nakipag-ugnayan sa mga tauhan ng Philippine National Police ang mangingisda at nang kanila itong pasukin ay tumambad sa kanila ang nabubulok na bangakay ng biktima.

Wala na itong I.D sa katawan pero sa ginawang paghalughog sa Yate ay nakita dito ang dokumento ng naturang sasakyang pandagat na nakapangalan kay Mansfred Fritz Bajorat na isang German National.

Inaalam ngayon ng mga otoridad kung ang nabubulok na bangkay ay si Bajorat at iniimbestigahan na rin ang ilang detalye sa kanyang pagkamatay.

TAGS: Barobo, German national, Sajo, surigao del sur, Barobo, German national, Sajo, surigao del sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.