Medical and health workers, dapat mabiyayaan sa Bayanihan 2 – Sen. Go

By Jan Escosio August 02, 2020 - 06:35 PM

Ilalapit kay Pangulong Duterte ni Senator Christopher Go na sa ilalaan na pondo sa Bayanihan to Recover as One Act ay makinabang ang medical and health workers.

Tiniyak ni Go na pinapakinggan at ikinokonsidera ng gobyerno ang mga hinaing ng medical frontliners.

“Sila po ang mga bayani sa laban na ito. Tulungan natin sila at huwag na pahirapan pa. Lahat po ng serbisyo na pwedeng ibigay sa ating health workers, ibigay na po natin agad sa lalong madaling panahon,” diin ng senador.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ng senador ang mga opisyal ng gobyerno na tuparin ang kanilang mga pangako.

Nabanggit din ng namumuno sa Senate Committee on Health na pinag-aaralan niya na mabigyan ng tulong pinansiyal at mga karagdagang benepisyo ang mga private health worker na gumagamot o nag-aalaga sa COVID-19 patients.

Isa sa naiisip niyang dagdag benepisyo ay life insurance coverage.

Batid niya aniya na hindi lahat ng naibibigay sa government health workers ay nakukuha din ng mga nasa pribadong sektor.

TAGS: Bayanihan 2, Bayanihan package 2, Bayanihan to Recover as One Act, Inquirer News, medical frontliners, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Bayanihan 2, Bayanihan package 2, Bayanihan to Recover as One Act, Inquirer News, medical frontliners, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.