Tropical Storm #DindoPH, kumikilos papuntang Northern boundary ng PAR

Photo grab from DOST PAGASA website

Patuloy na kumikilos ang Tropical Storm Dindo papunta sa Nothern boundary ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA senior weather specialist Chris Perez, huling namataan ang bagyo sa layong 405 kilometers Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes bandang 3:00 ng hapon.

Wala aniyang nakataas na tropical cyclone wind signal sa bansa.

Ibig sabihin, walang direktang epekto ang bagyo sa anumang parte ng bansa.

Sinabi pa ni Perez na Southwest Monsoon pa rin ang patuloy na umiiral sa Luzon.

Kaya’t asahan pa rin aniya ang maulap na kalangitan na kung minsan ay kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.

Read more...